Sa imbestigasyon ng Central Police District-District Police Intelligence Unit (CPD-DPIU), naganap ang panghoholdap dakong alas-9:45 ng umaga sa sangay ng naturang bangko sa panulukan ng Congressional at Mindanao Avenue sa Q.C.
Ayon kay Chief Insp. Rodolfo Jaraza, hepe ng DPIU, kasalukuyang naglalagay ng pera sa ATM na nasa gilid ng bangko ang isang empleyado ng bangko nang biglang tutukan ng dalawang lalaki na umanoy kapwa armado ng kalibre .45 baril.
Sapilitang kinuha at tinangay ang pera na tinatayang umaabot sa kalahating milyon.
Nabatid naman sa mga saksi na isa pa sa mga suspect ay pumasok ng bangko bago tuluyang tumakas sakay ng isang kulay maroon na Toyota Tamaraw FX at patungo sa North Ave.
Hindi pa malaman ng pulisya kung mayroong nakuhang pera mula mismo sa mga kahera ng bangko habang isinasagawa din ang imbestigasyon kung "inside job" ang insidente. (Ulat ni Doris Franche)