Ito naman ang sinabi ng ilang pulis sa Karingal matapos na makita ang mukha nina Crisanto Fidellaga, 30, house painter ng San Ignacio St. Villa Real , Brgy. Gulod, Q.C. at ang nagngangalang Allan na kasama sa umanoy itinumba ng anim na pulis.
Madalas umanong magpunta at masita sa kampo ang dalawang biktima subalit sinasabi ng mga ito na may pupuntahan lamang sila sa mga nakatira sa likod ng CIU.
Hanggang sa ipakilala na ang dalawang biktima na kapwa police asset sa mga pulis na nakatalaga sa gate ng kampo upang hindi na masita.
Nalaman na lamang nila na sina Fidellaga, Allan, Crestituto Carsido at Angelito Nabong ay pawang mga snatcher at holdaper at bata ng pulis. (Ulat ni Doris Franche)