^

Metro

PAGCOR inireklamo sa P.5 milyong papremyo

-
Inireklamo kahapon ng isang dalaga ang pamunuan ng Philippine and Gaming Amusement Corporation (PAGCOR) dahil sa hindi pagbibigay nito ng kalahating milyong premyo sa una.

Ang nagreklamo na itinago sa pangalang Leny, ng Estanislao St., Maypajo, Caloocan ay dumulog sa WPD-General Assignment Section matapos na tumanggi si Ma. Eliza Ordoyo-Cruz, in-house Bingo Special Projects Officer ng PAGCOR na ibigay ang P500,000 niyang premyo.

Ayon kay Leny, nagtungo siya kasama ang tiyahin nito sa Casino Filipino-Caloocan Branch upang ipakita ang kanyang card na may serial number na 01054618-060 at dito kinumpirma itong nanalo ng nasabing halaga.

Bunga nito’y, sinabihan sila ng nasabing PAGCOR Branch na magtungo sa main office ng PAGCOR.

Nang puntahan ni Leny ang main office partikular na ang tanggapan ni Cruz ay sinabi umano nito sa kanya na mali ang numerong hawak nito at hindi siya ang nanalo ng kalahating milyon.

Malaki ang paniwala ng mga awtoridad na posibleng matagal ng raket ng ilang empleyado dito ang tulad umano ng ginawa ni Cruz.

Kasong estafa at swindling ang isinampang kaso ni Leny laban sa PAGCOR. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

AYON

BINGO SPECIAL PROJECTS OFFICER

BUNGA

CASINO FILIPINO-CALOOCAN BRANCH

CRUZ

ELIZA ORDOYO-CRUZ

ESTANISLAO ST.

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

LENY

PHILIPPINE AND GAMING AMUSEMENT CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with