Trader inakyat-bahay; P1-M natangay

Sinalakay ng grupo ng ‘Akyat bahay gang’ ang apartment ng isang negosyante na natangayan nila ng may P1 milyong halaga ng alahas at salapi, kahapon ng madaling araw sa Mandaluyong City.

Nakilala ang biktima na si Jacqueline Gabriel ng #60 Evalice Apartment A-1 Reyes St., Barangay Poblacion ng nabanggit na lungsod.

Pinaniniwalaan namang natunugan ng mga suspect ang pag-alis ng biktima at anak nito na si Arjhie para dumalo sa pagtitipon sa isa nilang kamag-anak.

Madaling araw na nang bumalik ang mag-ina at doon natuklasan ang ginawang pagnanakaw.

Nagawang makapasok ng mga suspect nang tungkabin ang plastic na yero sa may labahan.

Nagsagawa ng manhunt operation ang mga pulis laban sa mga batikang suspect. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments