^

Metro

Malacañang 'no comment' muna sa refund na hingi ng Maynilad

-
Tumanggi ang Malacañang na agad na kagatin o patulan ang desisyon ng pamilya Lopez sa pagsosoli ng Maynilad Water Services Inc. at paghingi ng refund na 17 bilyong piso na umano’y ginastos nila sa pagkumpuni at pasasaayos ng serbisyo sa mga kostumer.

Ayon kay Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao, kinakailangang sumailalim muna sa arbitration ang kontrata.

Nilinaw ng Malacañang na kailangang hintayin muna ang pagbusisi ng arbitration panel upang mabatid kung makatarungan ang hakbang na ito ng Maynilad na nagsabing lumabag ang gobyerno sa concession agreement.

Nais ng Palasyo na hintayin ang desisyon o paglilitis ng arbitration panel sa kaso ng Maynilad. Ito ay upang mabatid kung tama ang halaga na hinahabol nito at kung lumabag nga sa concession agreement ang MWSS.

Magugunitang inihayag kamakalawa ng pamunuan ng Maynilad na hihinto na sila sa pagkakaloob ng supply ng tubig dahil na rin sa malaking kalugihan lalo pa nga’t hindi naaaprubahan ang hiling nilang pagtataas sa singil ng tubig.

Samantala, wala naman umanong plano na sumama ang Manila Water Corporation na pag-aari naman ng mga Ayala sa ginawang hakbang ng Maynilad na iwanan ang pagseserbisyo ng tubig sa Metro Manila.

Ayon kay DPWH Secretary Simeon Datumanong na tumatayo ring ex-officio chair ng MWSS na malabong sumunod ang Manila Water Corp. dahil maayos naman ang takbo ng kumpanyang ito kumpara sa Maynilad. (Ulat nina Ely Saludar, Lilia Tolentino at Angie dela Cruz)

AYON

ELY SALUDAR

LILIA TOLENTINO

MALACA

MANILA WATER CORP

MANILA WATER CORPORATION

MAYNILAD

MAYNILAD WATER SERVICES INC

METRO MANILA

PRESIDENTIAL SPOKESMAN RIGOBERTO TIGLAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with