Pulis-Crame na nag-Rambo arestado
November 30, 2002 | 12:00am
Inaresto ng pulis-Caloocan ang isang pulis na nakatalaga sa Support Unit sa Camp Crame matapos itong magwala at manggulpi ng isang roomboy sa loob ng isang lodging house kahapon ng madaling araw.
Si PO1 Lolito Morales, 33, may-asawa at nakatira sa loob ng Camp Crame ay inaresto kasama ang dalawa niyang kasamahan na sina Norman del Rosario, 27, at Joselito Niegas Manalili, 34, ay nakakulong sa detention cell ng Caloocan Police Station.
Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:45 ng madaling araw nang magwala si Morales at kanyang mga kasamahan sa loob ng Glonardian Lodge and Karaoke Bar na nasa EDSA ng nasabing lungsod matapos malasing ang mga ito.
Napag-tripan ng mga suspek ang roomboy na si Joel Fagregas Fiegalan, 28, na gulpihin ng wala kadahilanan at isa pang biktima na si Felipe Baiyista na tinutukan ng baril ng pulis.
Hindi pa umano nakuntento si Morales ay pinaputok nito ang baril sa itaas na naging dahilan para magtakbuhan sa labas ang ibang kostumer.
Nagresponde ang mga pulis at ilang barangay tanod at inaresto ang mga suspek. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest