Bading at 'papa' timbog sa droga

Matapos ang matagal na pagmamanman, bumagsak na rin sa kamay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang bading na showbiz hairstylist at lover nito kasama ang isa pa sa isinagawang buy-bust operation, kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Richard Oryoste, hairstylist; ang kanyang lover na si Miguel Cuerva, 55, at Ibrahim Ampuan, 35. Ang tatlo ay nadakip dakong ala-1:20 ng madaling araw sa kanilang bahay sa Quezon City matapos ang may ilang linggong surveillance.

Nasamsam sa mga ito ay may 400 gramo ng shabu. Nabatid din na nasa order of battle ng binuwag na Narcotics Group ng PNP ang mga suspect. Sa isa pang operasyon nadakip din ang Chinese na si Tan Wei Li, 40, at mga kasabwat na sina Amiril Andamen, 30 at Usop Abdulkader, 31, na nasamsaman naman ng may isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng isang milyon piso. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments