Naarestong suspek sa pagnanakaw napatay ng pulis
November 18, 2002 | 12:00am
Isang lalaki na suspek sa kasong pagnanakaw ang nabaril at napatay ng isa sa tatlong pulis na umaresto sa kanya nang agawan niya ito ng baril sa loob ng mobile car kahapon ng umaga sa Las Piñas City.
Dead on arrival sa Las Piñas District Hospital ang suspek na nasawi na si Norlito De Veles,31,may-asawa, ng Chua Compound,Brgy.Pulang Lupa dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan mula sa baril ng pulis.
Sa imbestigasyon,inaresto si De Veles dakong alas-8 ng umaga nina SPO1 Alfredo dela Cruz,PO3 Danilo Endita at PO2 Ricardo Jimenez sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Manuel Fernandez ng Las Piñas RTC, Branch 254 dahil sa kasong robbery.
Habang sakay ng mobile car si De Veles ay bigla na lamang umanong inagaw nito ang baril ni SPO1 Dela Cruz at tangkang tatakas.
Naging maagap naman ang dalawang kasamang pulis ni SPO1 Dela Cruz at inunahan na nila si De Veles.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended