Planong oil price hike ibinunyag ng PISTON

Ibinunyag kahapon ng pamunuan ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na muli na namang tataas ang presyo ng gasolina ngayong buwan ng Nobyembre.

Bunsod nito, sinabi ni PISTON President Medardo Roda na itutuloy nila ang nasimulan nang ‘tigil- pasada’ oras na muling magtaas ang presyo ng gasolina sa buwang ito.

Ayon pa kay Roda, 70 porsiyento ng kanilang miyembro sa buong bansa ang handa muling makiisa sa isasagawa nilang welga sa mas mahabang oras sakaling muling umabuso ang mga oil company na magtaas ng halaga sa produktong petrolyo.

Bagamat hindi umano nila kagustuhan na maapektuhan ang maliliit na manggagawa sa kanilang isasagawang ‘tigil- pasada’ ay humihingi na lamang sila ng pang-unawa ng mga ito dahil sa hirap na rin sila sa sobrang taas ng petrolyo, gayung hindi naman tumataas ang singil sa pasahe. (Ulat ni Angie dela Cruz)

Show comments