Ayon kay CPD director Senior Supt. Napoleon Castro, ang pagsasampa ng kaso laban kay Minalang ay bunsod na rin ng pagkilala dito ng mga testigong sina Julius Sayson at Jocelyn Cruz, kapwa pasahero sa sumabog na bus.
Ayon sa kanila, nakita nila si Minalang na nagmamadaling bumaba sa bus bago ito sumabog dakong alas-10:15 ng gabi.
Magugunitang dalawa katao ang nasawi sa naturang insidente, habang 20 pa ang nasugatan.
Sinabi ni Castro na si Minalang, ng Bagumbayan, Libis, Quezon City ay nahahawig din sa carthographic sketch na nauna nang ipinalabas ng CPD batay sa deskripsyon ng mga naunang saksi.
Bukod sa kasong murder at multiple serious injuries nahaharap din ito sa kasong illegal possession of firearms makaraang masamsam dito ang isang kalibre .38 baril nang arestuhin ng mga tauhan ng WPD sa Libis, Quezon City.
Nabatid na si Minalang din ang sinasabing nagpaplano sa gagawing pagpapasabog sa ilang sangay ng SM, Eastwood at iba pang establisimento sa Metro Manila. (Ulat ni Doris Franche)