Inulat ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na maraming unyon sa ngayon ang matagumpay na naisama ang libreng rasyon ng condom para sa mga manggagawa.
Sinabi ni TUCP spokesperson Alex Aguilar na isa ang kumpanya ng Jollibee sa kasalukuyang nabibiyayaan ng araw-araw na rasyon ng libreng condom mula sa pagtugon ng management sa kanilang CBA.
Sinasaad sa probisyon na sinumang may-asawa o binata na miyembro ng unyon ay may karapatan sa rasyon na tatlong condom sa loob ng isang linggo.
Tiniyak ni Aguilar na ang ganitong probisyon sa CBA ay walang intensyon na magpalaganap ng kahiligan sa sex para sa manggagawa kundi hinihikayat nito ang isang responsable at mahusay na pamumuhay .
Sinabi pa ni Aguilar na hindi nga nila kailangan na ibigay ng libre ang condom dahil ito ay kayang bilhin ng manggagawa. Isang bagay na ikinikintal nila sa mga union member ay ang malalim na pagtingin sa reproductive health ng kanilang maybahay at ang condom ay isang paraan upang mapangalagaan at mapatatag ang samahan. (Ulat ni Andi Garcia)