Kasabay nito, inamin ng mga bus operators na malaki ang nawala sa kanilang kita sa nakalipas na isang Linggo kung saan kapansin-pansin na hindi napupuno ang biyahe ng mga bus sa Metro Manila kumpara noong hindi pa nagaganap ang pambobomba.
Bagamat hindi tinukoy ni Claire dela Fuente ng Integrated Metro Bus Operators Association (MBOA) ang eksaktong porsiyento na nawala sa kanilang arawang kita, binanggit nito na kung magpapatuloy ang ganitong takot sa isip ng mga pasahero ay malamang na tuluyan na silang malugi sa negosyo.
Sa ilang hindi maiiwasang sumakay ng mga bus kapansin-pansin ang takot na namumutawi sa isip ng mga ito. Mangilan-ngilan lang ang nagnanais na umupo sa likuran, karamihan ay duda sa bawat kasakay niyang pasahero sa bus lalo na nga umano kung may dalang mga bagahe at may kaduda-dudang kilos.
Bunga nito umapela ang MBOA sa mga kanilang mga pasahero na walang dapat na ikatakot dahil sa regular umano ang kanilang isinasagawang monitoring. (Ulat ni Joy Cantos)