Dalagita patay sa sariling bayaw
October 22, 2002 | 12:00am
Isang dalagitang high school student ang iniulat na nasawi, samantalang, malubha namang nasugatan ang kanyang ate makaraang pagsasaksakin ng kanilang bayaw, kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Patay na nang idating sa Casaul General Hospital ang biktima na nakilalang si Rio Cagindagan, 17, ng GSIS Village, Brgy. Pasong Tamo, Project 8, ng nabanggit na lungsod, samantalang ginagamot naman sa Quezon City General Hospital ang kapatid nitong si Susan, 24.
Batay sa isinagawang imbestigasyon naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng madaling araw sa loob mismo ng bahay ng mga biktima.
Dumating umano sa bahay ang suspect na si Randy Moncada, 22, na lasing na lasing at nakita nito sa banyo si Susan na hinablot at saka pinaghihipuan at pinaghahalikan.
Nanlaban si Susan at mabilis na pumasok sa kuwarto subalit winasak ng suspect ang pinto kaya itinuloy nito ang tangkang panghahalay sa biktima.
Dahil sa nilikhang ingay ay nagising si Rio at sinaklolohan ang kanyang ate, subalit pinagsasaksak sila ng suspect.
Nagtangka pang tumakas ang salarin subalit naagapan ito ng iba nilang kasambahay at kapitbahay. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest