Kinidnap na trader napalaya dahil sa P5-M ransom ibinayad
October 22, 2002 | 12:00am
Matapos ang may sampung araw na pagkabihag, pinalaya na ng mga pinaghihinalaang bigtime kidnap-for-ransom syndicate ang isang mayamang negosyanteng Tsinoy na kinidnap habang nagjo-jogging sa Pasig City.
Ang napalaya ay si Antonio Tan, 52, na pinakawalan kamakailan ng kanyang mga abductors sa isang lugar sa nasabing lungsod.
Binanggit ng police source na napalaya ang biktima matapos na magbayad ng P5 milyon ang pamilya nito sa grupo ng mga kidnapper.
Magugunitang nauna nang humingi ng P30 milyong ransom ang mga suspect kapalit ng paglaya ng biktima.
Samantala, bumagsak din sa operatiba ng Pasig City police ang isang ex-Army na wanted sa kasong kidnapping sa isinagawang operasyon sa Taguig.
Nakilala ang nadakip na si Antonio Foronda. Ito ay natunton sa kanyang pinagtataguan sa Bantayan St., San Pedro Compound, alingon,Taguig. Dinakip siya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Erlinda Uy ng Branch 162 ng Pasig City RTC kaugnay sa kasong kidnapping.
Walang inirekomendang piyansa para dito. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest