Preso nagbigti sa loob ng kulungan

Dahil sa hindi pagdalaw ng mga kaanak, isang preso ang nagbigti sa pamamagitan ng kanyang t-shirt kahapon sa loob ng comfort room ng Parañaque City Jail.

Dead-on-arrival ang biktimang nakikilang si Ramil Manara, 36, na ayon kay PO3 Ramil Padeos ng Criminal Investigation Division (CID), Parañaque Police ay labis na dumanas nang matinding depression.

Ang biktima ay natagpuan ng kapwa preso na nakatali ng t-shirt ang leeg habang nakasabit sa kisame. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments