Bitay sa pumatay sa pinsan
October 9, 2002 | 12:00am
Kamatayan ang naging hatol ng Makati City Regional Trial Court (RTC) sa isang foreman na pumaslang sa kanyang pinsan noong nakalipas na taon sa Makati City.
Base sa 13-pahinang desisyon ni Makati City RTC Judge Ricardo Rosario, napatunayang nagkasala ang akusado na si Ricardo Suisa Comabig, 31, ng Sitio Dalig, Antipolo, Rizal.
Bukod sa parusang bitay, iniutos din ng hukuman ang pagbabayad nito ng halagang P100,000 bilang moral at indemnity damages para sa mga naiwan ng biktima.
Sa rekord ng korte, nabatid na ipinasok sa trabaho ni Comabig ang pinsan nitong si Romeo Solares bilang isang karpintero sa Philippine Racing Club Compound, Barangay Carmona ng nasabing lungsod.
Enero 27, noong nakalipas na taon ay iniulat na napikon si Comabig nang bumangka si Solares at siraan siya nito sa kanilang mga kasamahan sa gitna ng kanilang inuman.
Napag-alaman na nilasing ng akusado ang biktima hanggang sa tuluyang makatulog. Inihatid pa umano ni Comabig sa silid tulugan ang pinsan at doon pinaghahataw niya ito ng piko habang tulog-na tulog dahil sa matinding kalasingan.
Sa panig ni Comabig, itinanggi nito ang mga akusasyon kasabay nang pagsasabing self-defense ang nangyari makaraang tinangka siyang undayan ng saksak ng nasawi, gayunman hindi niya ito napatunayan sa mga isinagawang pagdinig. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest