^

Metro

Holdaper napatay, 1 pa timbog

-
Isang holdaper ang nabaril at napatay, habang isa pa ang nasakote at tatlo pa nilang kasamahan ang nakatakas matapos na looban nila ang isang tindahan ng bigas, kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Ang suspect ay nakilalang si Domingo Sacdalan, ng Block 2 Lot 2 Golden City Homes Imus, Cavite ay namatay noon din, samantalang nasakote naman ang isa sa apat na kasamahan nito na si Proslie Caraballes, 28.

Nabatid sa ulat ng pulisya na ang insidente ay naganap dakong alas-10:15 ng umaga sa panulukan ng Fidel at Callejon Sts. sa nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat, pinasok ng mga armadong suspect ang Rising Rice Dealer sa may Cavite St. at doon kinulimbat ang hindi pa mabatid na halaga ng cash.

Papatakas na ang mga suspect nang saktong mamataan ng mga nagpapatrulyang tauhan ng pulisya.

Nagpakilala ang mga awtoridad subalit nanlaban ang suspect kaya napilitan na ang mga pulis na barilin ito, habang si Caraballes naman ay naaresto. Tatlo sa mga kasamahan ng dalawa ang nakatakas. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

AYON

CALLEJON STS

CARABALLES

CAVITE

CAVITE ST.

CRUZ

DOMINGO SACDALAN

GOLDEN CITY HOMES IMUS

PROSLIE CARABALLES

RISING RICE DEALER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with