GRO hinostage ng ka-live in dahil sa selos
September 22, 2002 | 12:00am
Matinding selos at takot na baka ipagpalit siya sa iba ang nagtulak sa isang lalaki upang i-hostage niya ang kanyang live-in partner na isang GRO, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.
Kinilala ni Senior Supt. Leopoldo Urena, hepe ng Valenzuela City police ang suspect na si Reginald Castardo, ng General T. de Leon ng nabanggit na lungsod.
Base sa ulat ng pulisya, bandang alas-9 ng gabi nang magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng suspect at live-in partner nitong si Ma. Theresa Saren sa loob ng kanilang tinitirhan sa naturang lugar.
Nabatid na labis na nagselos ang suspect kaya pinagsabihan nito ang biktima na iwasan ng lumapit sa mga kalalakihan, gayunman sumagot ang biktima na kasama sa kanyang trabaho bilang GRO ang pakikipag-usap sa mga lalaki.
Dito biglang nagalit ang suspect at mabilis na kumuha ng patalim at saka tinutukan sa leeg ang ka-live-in.
Ilang minutong hinostage ng suspect ang biktima kasabay nang pagbabantang papatayin na lamang niya ito kaysa maagaw pa ng iba.
Kumilos na ang pulisya at pinalibutan ang bahay ng suspect hanggang sa makakuha sila ng magandang pagkakaton at nadamba ang armadong si Castardo.
Nakatakda namang sampahan ng kaso ang suspect. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended