Sa anim na pahinang resolusyon ng DOJ, si Li Peng Wee lamang ang pinawalang sala sa nasabing kaso dahilan sa wala umano silang makitang sapat na basehan para patunayan na nakipagsabwatan ito sa mga Malaysian nationals na nagdala ng ilegal na kemikal.
Base sa nilalaman ng resolusyon na hindi maaaring pagbatayan ang anumang testimonya ng isang akusado para idawit sa krimen ang isang tao na hindi naman nahuli mismo sa pinangyarihan ng krimen sa kabila na itinuro ng isang state witness na si Tan Nge Foo na si Li Peng Wee na kasabwat sa krimen at consignee ng 39 na drum ng kemikal na ginagamit sa paggawa ng shabu.
Nagsimula ang kaso matapos na sampahan ito ng kasong paglabag sa Tariff and Customs Code at illegal importation of chemicals ng Bureau of Customs ang mga nadakip na Malaysian nationals na sina Gajar Munong, Nanci Lim, Ang Beng Ean, Sim Kwan Kean at Ton Nge Foo. (Ulat ni Gemma Amargo)