Kasabay nito, inatasan din ng Pangulo si Health Secretary Manuel Dayrit na magtalaga muna ng OIC sa pagamutan habang suspendido si Melendres.
Sa administrative order number 39, inatasan ng Pangulo si Presidential Anti-Graft Commission Chairman Danilo Rama na magsagawa ng pormal na imbestigasyon laban kay Melendres kaugnay ng mga anomalyang kinasasangkutan nito.
Ang aksyon ng Pangulo ay bunsod ng mga reklamo ng medical staff ng Lung Center laban sa kanilang director.
Inakusahan ng mga empleyado sa pagamutan si Melendres sa umanoy ilegal na pagbili ng presentation banner nang walang public bidding. Nameke din umano ito ng dokumento ng architectural consultant at pambubulsa ng cash advances. (Ulat ni Ely Saludar)