Ito ang ginawang paghamon ni Caloocan City Mayor Reynaldo Malonzo kay Congressman Edgar Erice kaugnay sa ibinulgar ng huli na bankrupt na umano ang kaban ng lungsod.
Ayon sa mayor dapat umanong magharap na lang sila ng naturang congressman sa isang "martial arts bout" kaysa umano sa saksakin siya sa likod sa pamamagitan ng pagbubulgar ng kung anu-ano na walang basehan.
"Na-traydor ako. Nasa China ako nang ilabas niya ang ganitong uri ng mga alegasyon," pahayag pa ng naturang mayor.
Hindi naman pinansin ni Erice ang hamon sa kanya ni Malonzo, kasabay ng pagsasabing sobra na ang paghahari-harian nito sa Caloocan na ang iniisip ay lahat ng tao roon ay may utang na loob sa kanya. Sinasagot nito ang isyu nang wala sa lugar.
Magugunitang kamakailan lamang ay ibinunyag ni Rep. Erice na bankrupt na ang kaban ng Caloocan na naging sanhi upang hindi mabayaran ang mga bonus ng mga empleyado, maging ang electric bills, garbage collection at iba pang pangunahing serbisyo ay hindi nababayaran.
Iginiit pa ni Erice na ang walang habas na paggastos umano ni Malonzo ang siyang makakaapekto sa delivery ng basic services at maging sa konstruksyon ng ibat ibang infrastructure projects sa lungsod.
Bilang patunay sa kanyang alegasyon, sinabi ni Erice na mayroon siyang audit report buhat sa Commission on Audit.(Ulat ni Perseus Echeminada)