Ito ang naging sagot ni Moreno bilang pagtutol sa iniharap na annulment suit ng nabanggit na mayor.
Sa pamamagitan ng kanyang mga abogado, inihayag ni Moreno sa kanyang sagot noong July 11 sa petisyon ng annulment na iniharap ni Marquez sa sala ni Parañaque Judge Helen Ricafort, na hindi niya kailanman ipinagkait sa kanyang mister ang kanyang marital obligations.
Nakasaad din dito na sa isinagawang pagbisita ni Moreno kay Marquez sa kanilang tahanan, tinugunan umano niya ang kanyang obligasyon sa huli, partikular na ang marital consortium o ang pakikipagtalik. Ang pinakahuli umano ay noong nakalipas na Hunyo 30 at Hulyo 1, ng taong kasalukuyan.
Itinanggi din ni Moreno ang alegasyon ni Mayor Tsong na hindi niya (Moreno) prayoridad ang kanyang pamilya at hindi rin umano niya natutugunan ang pagiging misis at isang ina.
Ang pira-pirasong impormasyon na ito ang nilalaman sa 10-page opposition ng Office of the Solicitor General na isinumite naman sa sala ni Judge Ricafort.
Inisa-isa rin ni Solicitor Noel Cesar kung bakit binalewala ng kanilang tanggapan ang petisyon ni Marquez.
Ipinaliwanag ng aktres na ginawa lamang ito ng alkalde para siya i-harass, sa pamamagitan nang pagsasabing iresponsable siyang asawa at naglulustay ng pera.
Ito umano ay makasariling motibo ng mayor lalo na nga at umiigting ang relasyon nito sa TV host na si Kris Aquino.
Binanggit pa ng mga abogado ni Moreno, na hindi ito huminto sa pagmamahal kay Marquez at ang buong pamilya kahit pa nga nanganib ang kanyang kalusugan sa pagtulong dito sa pangangampanya para lamang maipagtagumpay ang pangarap nito sa pulitika.