Ayon kay Immigration Commissioner Andrea Domingo na lumalabas sa bagong advisory, na ang mga miyembro ng al-Qaeda terrorist organization ay maaaring makapasok sa mga bansa para maghasik ng kanilang terorismo sa pamamagitan nang pagtataglay ng mga peke at nakaw na Colombian passports.
Ang basehan umano ng naturang US advisory ay buhat sa impormasyon na ibinigay ng isang miyembro ng grupo na nadakip at nakaditene ngayon sa Guantanamo Bay, gayundin buhat sa mga manuals na nasamsam sa kuweba ng terror groups sa Afghanistan.
Nabatid pa sa bagong impormasyon na ang inutusan ang mga al-Qaeda operatives na magkaroon ng photographic intelligence para sa operasyon. Itoy matapos silang sanayin sa panoramic photographs ng potential targets, partikular na sa mga US facilities sa Pilipinas at sa iba pang bansa.
Dahil dito, iniutos ni Domingo sa lahat ng intelligence agents na mahigpit na imonitor ang mga pagdating na pasahero sa lahat ng international ports of entry, lalo na ang nagtataglay ng Columbian travel documents, gayundin ang mga nagpapanggap na miyembro ng international media. (Ulat ni Rey Arquiza)