Ayon sa isang impormante sa Parañaque City Regional Trial Court na humiling na itago ang kanyang pangalan na sa simula pa lamang ng pagdinig ay matinding tensyon na ang nanaig makaraang sabihan ng alkalde na nagsisisi umano siya sa ginawa niyang pagpapakasal sa aktres.
Hindi umano matanggap ni Alma ang pang-iinsulto sa kanya ng asawa at dahil dito lalong tumindi ang matinding tensyon sa pagitan ng mag-asawa.
Ilang sandali pa ay hindi na napigilan ni Alma na sugurin ng sampal at sabunot si Joey sa harap umano ni Judge Helen Ricafort ng Parañaque City RTC, Branch 260 hanggang sa mamagitan at umawat ang ilang staff ng nabanggit na Hukom.
Bagamat kinumpirma ng sala ni Ricafort na nagkaroon ng hearing sa annulment case ni Alma at Joey, hindi naman sila nagbigay ng komento tungkol sa naganap na sampalan at sabunutan blues.(Ulat ni Lordeth Bonilla)