Tumagal ng may mahigit sa isang oras ang sunog na tumupok sa mahigit sa kalahating bahagi ng bahay ng aktor na nasa No. 9 Amsterdam St., ng nabanggit na lugar.
Nagsimula ang sunog dakong alas-5:58 ng madaling araw at naapula ganap na alas -7:06 ng umaga.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ni SFO3 Dionisio Cabute ng QC Fire Department, nagsimula ang sunog sa isang tambakan sa gilid ng bahay na doon nakaimbak ang ilang mga tangke ng gas at mga lata ng pintura at ilan pang mga light materials.
Wala namang iniulat na nasugatan sa naturang insidente. Binanggit na doon naninirahan ang kapatid ng vice-mayor na si Hero, ang pamilya nito at ang kanilang ama na si Butch Bautista.
Sinabi pa ni Hero na mabuti na lamang at agad silang nagising bago pa man tuluyang lumaki ang apoy. (Ulat ni Angie dela Cruz)