Sa halip iniutos na lamang ni Perez sa Marikina Prosecutors Office na tapusin sa lalong madaling panahon ang preliminary investigation laban kay Parsons.
Sinabi pa ni Perez na nais muna niyang bigyan ng kalayaan ang piskalya ng Marikina na busisiin ang kaso ni Parsons bago ito tuluyang hatulan kung dapat ibasura o isampa sa korte.
Matatadaan na inatasan ni Pangulong Arroyo ang DOJ na agarang idismis ang kaso laban kay Parsons dahil sa paniwalang ipinagtanggol lamang nito ang kanyang sarili.
Si Parsons ay magugunitang kinasuhan ng homicide at frustrated homicide ng Marikina police dahil sa pagpatay at bigong pagpapatay nito sa mga miyembro ng Waray Gang. (Ulat ni Gemma Amargo)