Cholera nakaambang umatake sa Manila City Jail

Nangangamba ang pamunuan ng Manila City Jail (MCJ) sa posibilidad na kumalat ang sakit na cholera sa loob ng piitan bunga na rin ng mataas na tubig baha na pumasok dito.

Dahil dito, isa na namang preso ang iniulat na nasawi kahapon matapos ang matinding pagsakit ng tiyan na naranasan.

Namatay habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Hospital ang preso na nakilalang si Joey dela Cruz, 29, na nakapiit sa selda #9.

Nabatid na matinding pagsakit ng tiyan ang naranasan ng naturang preso kaya ito isinugod sa pagamutan.

Sinabi naman ni MCJ Warden Supt. Norvel Mingoa, na patuloy pa ring nakalutang sa mataas na tubig baha ang piitan, ito ay dahil na rin sa sirang drainage kung kaya’t pati ang iniinom na tubig ng mga preso ay naapektuhan na rin.

Hanggang kahapon ay hanggang tuhod pa rin ang tubig sa loob mismo ng mga selda sa piitan. (Ulat ni Grace Amargo)

Show comments