Preso sa Manila City Jail nasawi
July 7, 2002 | 12:00am
Isa na namang preso na may kasong panggagahasa ang namatay sanhi ng paninikip ng dibdib kahapon ng umaga sa Manila City Jail sa Sta. Cruz, Manila.
Nakilala ang namatay na preso na si Leonardo Aranches, 43.
Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya dakong alas-3:55 ng madaling araw ng masawi si Aranches sa medical ward ng Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC).
Bago namatay ang naturang preso, nabatid na isinugod muna ito sa infirmary clinic ng MCJ dahil sa paninikip ng dibdib habang nasa loob ng kanyang selda dakong alas-5:25 noong nakaraang Biyernes ng hapon.
Ngunit dahil sa malala na nitong kondisyon mabilis itong isinugod sa naturang pagamutan na doon na ito binawian nang buhay.
Matatandaan na may 30 preso na ang namamatay sa MCJ simula ng pagpasok ng taon sanhi ng ibat ibang sakit na kadalasan ay tuberculosis, intestinal diseases at iba pang uri ng sakit. Ito ay dahil na rin sa pagsisikip ng naturang piitan. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended