^

Metro

Siga, pinalagan ng inaaping kapitbahay, todas

-
Hindi na natiis ng isang 22-anyos na lalaki ang ginagawang pang-aapi at pagkukursunada sa kanya ng isang siga sa kanilang lugar kaya’t lumaban na ito at kanyang pinatay kamakalawa ng hapon sa Pasay City.

Hindi na umabot ng buhay sa Pasay City General Hospital ang biktima na nakilalang si Roger Carballa, 21, na umano ay siga sa kanilang lugar sa E. Rodriguez st., Malibay, matapos magtamo ng maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad naman na naaresto ang suspek na si Andy Agnes, construction worker at kapitbahay ng biktima.

Nabatid sa pagsisiyasat ni PO2 Ramil Padeos, isa umanong siga ang biktima sa kanilang lugar at lagi umanong kinukursunada ang suspek na hindi lumalaban at lagi na lang nagtitimpi.

Dakong alas-6:10 ay nagsalubong ang biktima at suspek sa isang iskinita ng Tramo at Edang sts., at sinadyang banggain ng una ang huli.

Hindi na nakatiis ang suspek kaya’t lumaban na ito hanggang sa nakuha nito ang patalim ng biktima at kanya itong inundayan ng mga saksak. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ANDY AGNES

DAKONG

EDANG

LORDETH BONILLA

MALIBAY

NABATID

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

RAMIL PADEOS

ROGER CARBALLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with