Nabatid mula sa 8-pahinang reklamo na isinumite sa Ombudsman ni Aguinaldo Miravalles, Pangulo ng Phil. Association of Revenue District Officers (PARDO), nilabag umano nina Benipayo ang Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Omnibus Election Code.
Ayon sa PARDO, nagpalabas umano sina Bañez at Heftl ng Revenue Travel Assignment Order o RTAO noong Mayo 24 ng nakaraang taon na sakop naman ng election period.
Ginawa ring batayan ng PARDO ang paglabag sa batas nina Bañez at Hefti dulot ng walang habas umano nitong paglilipat ng mga kawani at opisyal ng BIR sa ibang puwesto gayung ipinagbabawal ito sa ilalim ng Omnibus election code.
Nauna nang isinampa ng PARDO ang naturang kaso ng Comelec laban kina Bañez at Hefti kung saan ay lumabas naman sa rekomendasyon ng Comelec law department na dapat lamang isampa sa hukuman ng kasong paglabag sa Omnibus Election Code.
Subalit ito ay tinulugan lamang umano ni Benipayo kayat nagdesisyon ang PARDO na isama na ito sa demanda. Partikular na tinukoy ng complainant ang umanoy hindi pagka-calendar ni Benipayo sa kanilang demanda laban kina Bañez at Hefti. (Ulat ni Grace Amargo)