^

Metro

Mass leave banta ng 200,000 guro

-
Nagbanta kahapon ang may 200,000 mga gurong kabilang sa Alliance of Concerned Teachers (ACT) na magsasagawa ng mass leave sakaling hindi pansinin ng Department of Education (DepEd) ang hiling nilang moratorium para sa pagpapatupad ng kontrobersiyal na Makabayan curriculum na ayon sa kanila ay makakaapekto sa quality ng edukasyon sa bansa.

Ayon kay Pedro Arao, ACT spokesman na itutuloy nila ang mass leave kung ipipilit ni DepEd Secretary Raul Roco ang naturang kurikulum at hindi papansinin ang hiling nilang isang taong moratorium.

Ipinaliwanag pa nito na ang pagpapatupad sa bagong kurikulum ay nangangahulugan na paglalagay sa mahigit sa 500,000 elementary at high school teachers at sa may 20 milyong mga mag-aaral sa isang eksperimentong tinatawag na "laboratory of life".

Binanggit pa nito, na nabigo ang DepEd na konsultahin ang mga pangunahing stockholder katulad ng mga guro, mga magulang at mga mag-aaral sa pagpaplano at sa pag-eevaluate kung papaanong ang bagong basic education curriculum ay ipapatupad.

Sinabi naman ni Prof. Flora Arelano, ACT national chairperson na sa kasalukuyan ay nagkaroon ng pagkalito sa mga guro kung papaano ipapaimplementa ang mga subject dahil sa hindi sila binigyan ng anumang training at mga materials patungkol sa bagong curriculum.

Nangangahulugan din umano ito nang pansamantalang pagkuha ng mga guro na magdi-dislocate naman sa libong mga guro na kasalukuyang humahawak sa mga naturang subject.

Sinabi pa ni Arelano na nakahanda naman silang harapin ang anumang administrative sanctions ipapataw sa kanila kaugnay sa isasagawa nilang mass leave. (Ulat ni Perseues Echeminada)

ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS

ARELANO

AYON

DEPARTMENT OF EDUCATION

FLORA ARELANO

PEDRO ARAO

PERSEUES ECHEMINADA

SECRETARY RAUL ROCO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with