^

Metro

4 WPD cops pararangalan sa naresolbang hostage crisis

-
Matapos ang palpak na operasyon ng Pasay City police sa naganap na hostage taking na ikinamatay ng hostage taker at ng biktima nito, muli namang ipinamalas ng Western Police District na sila nga ang Manila’s Finest makaraang maresolba ng apat na bagitong pulis ang panibagong hostage drama sa Carriedo, Quiapo, Maynila, kamakalawa ng gabi nang wala isa man na nasaktan.

Kaugnay nito, inirekomenda ang pagkakaloob ng komendasyon sa mga pulis na nakilalang sina PO1 Emerson Riosa, PO1 Samuel Mendieta, John Labrador at Alvin Caramancion, pawang nakatalaga sa WPD Station 3.

Ito ay matapos na mapasuko ng mga pulis ang nang-hostage na si Nilo Tagle, 21, bagong layang miyembro ng Commando gang na armado ng granada at bumihag sa biktimang nakilalang si Nicanor Ilagan, 43. Base sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-8:45 ng gabi habang nagpapatrulya ang mga nabanggit na pulis sa may Plaza Fair sa Sta. Cruz, Manila nang mapansin ang suspect na may kahina-hinalang kilos na sumakay sa isang pampasaherong jeep.

Nang parahin ng mga pulis ang jeep ay mabilis na bumaba ang suspect at saka kumaripas ng takbo kaya hinabol ito ng mga awtoridad.

Nakarating ang suspect sa may Florentino Torres St. na doon nakasalubong nito ang biktima na kanyang sinunggaban at saka hinostage tangan sa isang kamay ang granada.

Nagpupumiglas naman ang biktima hanggang sa makawala ito, gayunman hawak pa rin ng suspect ang granada at ibinantang pasasabugin kung lalapit ang mga pulis.

Ilang minuto lamang tumagal ang negosasyon at napasuko ng mahinahon ng mga pulis ang suspect at isinuko din nito ang dala nitong granada. (Ulat nina Ellen Fernando at Andy Garcia)

vuukle comment

ALVIN CARAMANCION

ANDY GARCIA

ELLEN FERNANDO

EMERSON RIOSA

FLORENTINO TORRES ST.

JOHN LABRADOR

NICANOR ILAGAN

NILO TAGLE

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with