^

Metro

Sasakyan ni Vilma Santos kinarnap sa QC

-
Patuloy ang pagtaas ng bilang ng carnapping incident sa Quezon City kung saan isa sa huling nabiktima ay ang aktres na siya ring Mayor ng Lipa City na si Vilma Santos.

Nabatid na hiniram ng nakababatang kapatid ni Vilma na nakilalang si Joel Santos, 36, ng 26 Green Meadows Subdivision, Quezon City ang sasakyan ng aktres na isang light green Nissan Safari na may plakang TLM-930 noong nakalipas na Mayo 16 ng taong kasalukuyan.

Dakong alas-10 ng gabi ay ipinarada umano ni Joel ang sasakyan sa harapan ng City Champ Café sa may Katipunan Avenue sa nabanggit na lungsod at binalikan niya dakong alas 2:30 ng madaling araw, subalit laking gulat nito na wala na doon ang sasakyan.

Patuloy pa rin ang ginagawang follow-up operation ng pulisya para mabawi ang sasakyan ng aktres.

Pinaniniwalaang patuloy na tumataas ang kaso ng carnapping sa lungsod dahil na rin sa kakulangan sa police visibility ng pamunuan ng CPDO. (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

CITY CHAMP CAF

GREEN MEADOWS SUBDIVISION

JHAY MEJIAS

JOEL SANTOS

KATIPUNAN AVENUE

LIPA CITY

NISSAN SAFARI

PATULOY

QUEZON CITY

VILMA SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with