Kinilala ni Supt. Freddie Panen, hepe ng CPD-Station 1 ang mga nadakip na suspect na sina Manuel Bacunawa, 31; Eric Done, 35; Ana Mendoza, 28 at Ella Cinco, 25.
Ayon kay Panen, naganap ang insidente dakong alas-11 ng umaga sa may Araneta Avenue sa Barangay Tatalon, Quezon City.
Base sa imbestigasyon, nilapitan umano ng dalawang babaeng suspect ang biktimang si Engracia Salazar, 48, habang ito ay nag-aabang ng sasakyan sa nasabing lugar.
Kinausap ng mga suspect ang biktima at nang malamang isa itong mananahi ay inalok nila ang biktima na magpapatahi sila ng maraming damit sa dahilang mayroon umano silang RTWs store. Ipinakita pa ng mga suspect ang dala nilang budol money.
Ilang minuto pang usapan ay nakumbinsi ng mga suspect ang biktima na magdala ng P37, 500 para sa kanilang napagkasunduang negosyo at sinabihan na makipagkita muli sa kanila sa pinagkasunduang lugar.
Hindi maipaliwanag ng biktima kung bakit para siyang nahipnotismo ng mga suspect at pumayag na magdala ng pera at muling makipagkita, subalit bago pa man maiabot nito ang pera sa grupo ng mga suspect ay parang natauhan ito at hindi inabot ang pera.
Ito naman ang dahilan upang magalit ang mga suspect at makipaghilahan sa perang dala ng biktima.
Nagawa namang makatakbo ng biktima at humingi ng tulong sa pulisya na siya namang humabol sa mga tumatakas na suspects.(Jhay Mejias)