Bomb scare umatale muli
May 21, 2002 | 12:00am
Muli na namang umatake ang grupong nasa likod ng paninindak sa Metro Manila matapos na magtanim ang mga ito ng pekeng bomba na nagdulot ng takot sa mga residente malapit sa isang tulay sa Pasig City, kahapon.
Ayon kay Inspector Rodante Arcigal, hepe ng Pasig Follow-Up Unit, isang residente ang nag-ulat sa kanila na isang hinihinalang bomba ang natagpuan sa ibabaw ng tulay sa may Barangay Kapasigan dakong alas-12:10 ng hapon.
Agad na rumesponde ang mga tauhan ng pulisya kung saan nakita ang tatlong hugis jumbo hotdog na yari sa leather na may nakakabit na timer at mga wires.
Sinabi ng mga residente na isang sasakyan umano ang naglaglag sa naturang hinihinalang bomba na nakita ng isang empleyado ng establisimento malapit sa tulay.
Agad na isinailalim sa water cannon treatment ang umanoy bomba kung saan nadiskubre na pawang mga bulak lamang ang laman nito.
Hinihinala ng pulisya na iisang grupo rin ang may kagagawan ng insidente na responsable sa mga bomb scare sa Metro Manila. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended