Pedicab driver pumalag sa holdap, todas

Isang 26-anyos na pedicab driver ang nasawi matapos na pagsasaksakin ng isang hinihilang adik makaraang tumangging ibigay ang maghapong kita nito kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Hindi na umabot ng buhay ang biktimang si Sonny Garcia, ng 277 Area H, Parola Compd., Tondo sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center bunga ng tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa pagsisiyasat, dakong alas-8:30 ng gabi habang namamasada ang biktima sa panulukan ng C.M. Recto Ave. at Asuncion st. nang lapitan ng di-kilalang suspek.

Pilit umanong kinikikilan ang biktima at nang tumangging ibigay ang kita sa pamamasada ay walang awang pinagsasaksak ng suspek. (Ellen Fernando)

Show comments