Aussie tiklo habang nakikipag-sex sa kalsada

Isang matandang Australian national na pinaniniwalaang isang pedopilya ang nakakulong ngayon matapos umano itong mahuli sa aktong ka-sex ang isang binatilyo sa isang madilim na kalsada kahapon ng madaling araw sa Makati City.

Ang suspek ay nakilalang si William Somerville, 75, binata at pansamantalang nanunuluyan sa Millennium Plaza Hotel ng nasabing lungsod.

Itinago naman ang biktima sa pangalang Diether ng Taliwas st., Brgy. Poblacion.

Sa imbestigasyon, nagpapatrulya ang mobile patrol car ng Police Community Precint 9 sa kahabaan ng San Lucas st. nang may mapansin ang mga pulis na kakaibang kilos sa isang madilim na lugar.

Nang ito ay ilawan ay ganoon na lamang ang pagkamangha nang makita nila ang malaswang ayos nina Somerville at Diether.

Ang dalawa ay kapwa inaresto ng mga awtoridad at inihahanda ang kaso laban sa dayuhan. (Lordeth Bonilla)

Show comments