Nasawi habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Jhun Esguerra, 18, ng Lico St., ng nasabing lugar sanhi ng tinamo nitong mga saksak sa katawan.
Sugatan naman sina Jerwin Boscas, 19; Bon Torres, 18; at Virgilio Amante, 12.
Ayon sa ulat ng WPD-Homicide Division, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling araw sa kahabaan ng Lico St. ng naturang lugar.
Nabatid pa na tatlong araw bago naganap ang insidente ay pinagtulungang gulpihin ng mga suspect ang biktimang si Esguerra sa hindi malamang dahilan.
Napag-alaman na kahapon ng madaling araw ay nagkasalubong ang grupo ng biktima at mga suspect kung saan ay nagsagupaan ang mga ito.
Isa-isang nagbagsakan ang mga biktima habang nagtakasan naman ang grupo ng mga suspect. (Ulat ni Ellen Fernando)