Ang mga nadakip ay nakilalang sina Aladin Malinao, 24; Manuel Maturan, 42; Narciso Banzuela, 34; Nicolas Gonzaga, 36; Jesus Mentes, 29; Claudio Saeno, 25; Baltazar Dicorion, 29; Armando Dehuno,29; Carlos Saas, 30; Raymundo Martin, 28; Elizalde Pidoy, 28; Jimmy Espina at Noel Ortiz, 28.
Ayon kay P/Supt. Raul Medina,hepe ng Criminal Investigation Unit ng CPD na ang matagumpay na pagkakaaresto sa miyembro ng sindikato ay ang kanilang ilang linggong surveillance makaraang sunud-sunod na panghoholdap na ginawa ng grupo sa ilang banko, establisimyento, food chains at mga malls.
Magsasagawa sana ito ng panghoholdap sa nasabing banko noong Abril 30 dakong alas-2:30 ng hapon sa sangay nito sa Roosevelt Avenue kanto ng Del Pilar st., Brgy. San Antonio kung hindi nakatanggap ng impormasyon ang awtoridad.
Ang mga suspek ay isinasailalim sa interogasyon kung may kinalamam ang mga ito sa panghoholdap sa P3M na idedeposito sana sa Asia Trust Bank sa Brgy. Monica, Novaliches, QC na ikinasawi ng apat katao at lubhang pagkasugat ng isa pa. (Ulat nina Jhay Mejias/Bendell Yamo)