^

Metro

Drug case ng Panulukan mayor hahawakan ng QC-RTC

-
Hahawakan na ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang drug case ng suspendidong mayor sa lalawigan ng Quezon makaraang ipag-utos ng Supreme Court ang paglilipat ng venue nito mula sa korte sa Infanta, Quezon.

Ang kaso ni Panulukan Mayor Ronnie Mitra na nahaharap sa kasong pagdadala ng 500 kilo ng shabu sa lalawigan ng Quezon noong nakaraang taon ay bumagsak sa sala ni QC-RTC Judge Agustin S. Dizon ng Branch 80 mula sa naunang venue nito sa Infanta Quezon Regional Trial Court kung saan ito naunang isinampa.

Si Mitra ay hinuli ng mga awtoridad sa aktong paglilipat ng may 503.68 kilos ng shabu noong nakaraang Oktubre 13, 2001 sa Brgy. Kiloloron.

Kasama nitong naaresto sina Ruel Dequlla, Javier Morilla at isang Chinese national na nakilalang si Willie Yang Yao.

Ang nasabing shipment ng shabu ay nakita sa loob ng isang government ambulance. (Ulat ni Angie dela Cruz)

INFANTA QUEZON REGIONAL TRIAL COURT

JAVIER MORILLA

JUDGE AGUSTIN S

PANULUKAN MAYOR RONNIE MITRA

QUEZON

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

RUEL DEQULLA

SI MITRA

SUPREME COURT

WILLIE YANG YAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with