Ang biktima ay itinago sa pangalang Angelica, ng Cabuyao, Brgy. Western Bicutan, bayang ito.
Samantala, kaagad namang nadakip ang suspek na si Adriano Galindez, 52, hiwalay sa asawa, ng nabanggit na lugar.
Ayon sa report na natanggap ng Task Force Bantay, base na rin sa salaysay ng biktima, simula pa noong Setyembre 2001 ay ginagahasa na siya ng suspek sa tuwing wala ang ina na pumapasok sa trabaho.
Sinabi ng dalagita na kumpare ng kanyang ina ang suspek at sa tuwing siya ay pinagsasamantalahan nito, nilalasing muna siya nito ng gin.
Tinatandaan umano ng lalaki ang buwanang bisita ng dalagita upang hindi ito mabuntis, minamarkahan ang kalendaryo at saka isinasagawa ang panghahalay.
Dakong alas-8 kamakalawa ng gabi, habang nasa trabaho ang ina, pumasok si Galindez sa kanilang bahay para muling isagawa ang panghahalay.
Nabatid na uminom ng dalawang bote ng gin ang lalaki at tangkang painumin na naman ng alak ang dalagita pero bago niya ito pinainom ay hinubaran niya ang biktima habang tinututukan ng patalim sa leeg.
Nakalingat ang suspek kayat nagkaroon ng pagkakataon na makatakas at magtatakbo ang biktima kahit hubot hubad at humingi ng saklolo sa kapitbahay nitong si Danlulo Lozada.
Kaagad na tinulungan ni Lozada ang dalagita at pinuntahan ang suspek na nadakip sa aktong papatakas na.
Sa ngayon ay nakakulong sa Taguig Police detention cell ang suspek at nahaharap sa kasong multiple rape.
Katwiran ng dalagita, kaya ngayon lamang siya nagharap ng reklamo ay nagbabanta ang suspek na papatayin ang kanyang ina. (Ulat ni Lordeth Bonilla)