LRT, MRT magpapahinga

Kasabay ng paggunita ng Mahal na Araw, inihayag ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) na walang operasyon ng apat at tatlong araw ang mga de-kuryenteng tren upang isailalim sa maintenance repair.

Sinabi ni LRTA administrator Teodoro Cruz Jr. na mag-uumpisa ang pagsususpinde ng operasyon mula sa Marso 28-31 at muling magbubukas ng operasyon sa Abril 1 dakong alas-5 ng umaga.

Ito ang unang pagkakataon na isususpinde ang operasyon ng LRT ng apat na araw na dati’y 2 araw lamang tuwing Mahal na Araw. Ito ay dahil sa dami umano ng sira na dapat ayusin sa mga train units at sa mga riles at pagtatapos ng ibang mga proyekto.

Nakatakda ring isuspinde ng MRT ang kanilang operasyon ng 3 araw mula sa Marso 28-30 upang magbigay-daan din sa kinakailangang repair maintenance at pagpapahinga ng mga units. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments