Hindi na umabot ng buhay sa Delos Santos Hospital ang biktimang si Dominador Macatani, 27, vendor, ng 70-C Victoria Ave., Brgy. Tatalon ng nasabing lungsod sanhi ng dalawang tama ng bala ng baril sa dibdib.
Samantala, ginagamot sa ospital si Rolando delos Santos, 22, ng 119 E. Rodriguez, Tatalon, QC, makaraang magtamo ng dalawang tama din ng bala ng baril sa dibdib at sa tiyan.
Ayon kay SPO1 Salvador Buenviaje, ng CPD-Criminal Investigation Unit, dakong alas-12 ng hatinggabi nang maganap ang pamamaril sa mga biktima sa Gate 1 Villa Espana Subd., E.Rodriguez Ave., QC.
Sinabi ni Buenviaje, apat na kabataan na pinaniniwalaang miyembro ng notoryus na Hip Hop Boys ang responsable sa pagkamatay at pagkasugat ng mga biktima.
Nabatid sa pulisya, naglalakad umano ang dalawang biktima sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang mga suspek.
Sinasabing lumapit ang dalawa sa apat na suspek na armado ng baril at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga biktima.
Marami ang nakakita ng insidente kaya ng bumagsak si Macatani ay mabilis itong sinugod sa ospital kasama si delos Santos.
Samantala, isang di kilalang babae ang itinapon sa ilalim ng flyover ng Santolan sa tapat ng Camp Crame sa EDSA, QC, kahapon. (Ulat ni Jhay Mejias)