Hapones ninakawan ng GRO dahil di nagbayad sa sex

Isang 27-anyos na guest relation officer (GRO) ang inaresto ng pulisya ng pagnakawan umano nito ang kanyang customer na isang Japanese national dahil hindi nagbayad ang huli matapos makipag-sex sa una,sa Makati City, kamakalawa .

Nakakulong sa Makati City Police detention cell ang suspek na nakilalang si Cherryna Elbom,GRO, ng Dagohoy st., San Andres Bukid ,Sta. Ana, Maynila.

Samantala, ang complainant ay nakilalang si Hisataka Shasihara,37, binata, ng Legaspi Village, Makati City.

Ayon sa imbestigayon ni PO2 Ricky Mel Corpuz, ng General Assignment Section(GAS),Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-11 ng tanghali sa tinutuluyan nitong condominium.

Ayon sa pulisya, dati na umanong customer ng suspek ang nabanggit na Hapon. Nakipag-sex umano sa kanya ito pero pagkatapos ay hindi siya binayaran ng service fee kaya ninakaw umano ni Elbom ang halagang $400, 9210 cellphone at IC recorder nito.

Dahil sa pangyayari nagreklamo si Shasihara sa pulisya kaya hinuli ang suspek. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments