Rigodon sa LTO

Binalasa kahapon ni Land Transportation Office (LTO) Chief Roberto Lastimoso ang mga opisyal ng LTO-National Capital Region para sa lalong ikabubuti ng serbisyo ng mga ito sa publiko.

Inirekomenda ni NCR Director Pacifico Avenido kay Lastimoso ang pagbalasa kay Diosdado Jorge Jr., hepe ng LTO-Camp Aguinaldo para dalhin sa tanggapan ng una. Si Ligaya dela Cuesta, hepe ng Southern Licensing Office sa Pasay City ang pumalit kay Jorge.

Pumalit naman bilang hepe ng LTO Tayuman si Corazon Ang matapos magretiro si Cesar Castaneda.

Si Jose Ocampo, hepe ng LTO Las Piñas Extension Office ang pinalitan ni Monina Purog. (Ulat ni Angie dela Cruz)

Show comments