Isdang huli sa dinamita nasamsam
February 16, 2002 | 12:00am
Nasamsam kamakalawa ng gabi ng Navotas Maritime Police ang may 36 kahon na naglalaman ng 1,500 kilo ng ibat ibang uri ng isda na hinuli sa pamamagitan ng dinamita.
Sa panayam kay Agripito Cantiaga, hepe ng Fishery Law Enforcement Region 10 ng National Capital Region (NCR), ang pagkakasamsam sa 36 kahon ng mga isda ay bunga ng masigasig na kampanya ng pamahalaang Arroyo sa pagsugpo sa talamak na illegal fishing.
Isang impormasyon umano ang nakarating sa kanyang tanggapan tungkol sa isang lantsa na dumadaong sa Pier 2 ng North Harbor na umanoy kinakargahan ng ibat ibang kontrabando at isdang huli sa pamamagitan ng dinamita.
Agaran namang nagsagawa ng entrapment operation ang tanggapan ni Cantiaga at nasamsam ang nasabing isda. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended