Isang babae na umanoy kaibigan ng mag-asawang Strunk at Blanca ang personal na nagtungo sa tanggapan ng NBI at inihayag na may hawak umano itong ebidensiya na magpapatunay na may kinalaman si Strunk at ibang kaibigan nito sa pagpatay sa aktres.
Kabilang sa mga ebidensiya na hawak ng testigo ay ang damit na may dugo ng aktres na nakuha nang isagawa ang krimen at mga larawan na nagpapatunay na kasama ni Strunk sa pagplanong pagpatay kay Blanca ay kanyang mga malalapit na kaibigan.
Nagtakda ng isang lugar ang testigo upang ibigay nito sa mga ahente ng NBI ang hawak nitong ebidensiya subalit hindi ito dumating.
Nang beripikahin ng NBI ang ibinigay na tirahan ng testigo ay napag-alamang isa itong bakanteng lote. (Ulat ni Ellen Fernando)