5 paslit ginawang sex slave ng tsuper

Sa halagang P10 nagpasasa ang isang tsuper ng jeep sa limang paslit na nasa edad na 9 at 11 na ginawang sex slave sa loob ng dalawanhg buwan makaraang madiskubre ito ng mga magulang kahapon ng hapon sa Quezon City.

Naaresto sa pamumuno ni Supt. Cecilio Aguilar, hepe ng CPD Station 2 ang suspect na si Diwa Tayuda, 41 anyos, tubong Iloilo at naninirahan sa no. 13 Saint Andrew St. Brgy. Bahay Toro, Quezon City.

Kasamang dumulog sa tanggapan ng pulisya ang mga biktima na itinago sa pangalang Armie, 9; Dolly, 9; Jude, 9; Mazen, 11 at Marian, 11.

Sa salaysay ng mga bata, tuwing ala-una ng hapon ay tinatawag sila ng suspect at isinasakay sa minamanehong jeep at saka dinadala sa ilalim ng puno ng mangga sa Cooper St., Brgy. Paraiso, Quezon City at dito ay sari-saring kahalayan ang ipinagagawa sa mga biktima.

Pagdating sa nasabing lugar ay pinapababa sila sa jeep at isa-isa silang tinatawag para ipahipo at ipasubo ang ari nito.

At kapag nakaraos na, babayaran ng suspect ng P10 ang mga bata kapalit ang kinahihiligan nito.

Ayon pa sa mga bata, nagsimulang molestiyahin sila ni Tayuda noong Disyembre na kung saan nababayaran ang mga ito ng P15 ngunit ng kinalaunan ay bumaba na sa P10.

At ang huling pagmolestiya ni Tayuda sa mga bata ay naganap kamakalawa ng hapon dakong alas-4 sa naturan ding lugar.

Kakasuhan ng 5 counts ng Child Abuse at Acts of Lasciviousness ang suspect na kasalukuyang nakapiit. (Ulat ni Jhay Mejias)

Show comments