Sinabi ni CHR Chairman Aurora Recina,paglabag sa karapatang pantao ang plano ng MMDA dahil ang paghalik ng isang tao ay masyadong personal na usapin.
"It violates the right to hapiness of a person... dapat inisip muna niya ang planong iyan bago ipatupad... napakababaw namang isyu yan.. siguro ayusin na lang yung pagdidisiplina sa mga motorista na mag-violate sa batas trapiko" pahayag ni Recina.
Dinagdag pa ni Recina na dapat na liwanaging mabuti ni Abalos ang nasabing patakaran kung hindi puwedeng maghalikan habang nagmamaneho dahil baka maaksidente pero kung nakahinto naman ang sasakyan kahit pa umano torrid kissing ay karapatan yan ng bawat tao.
Nanawagan ang CHR sa MMDA na bigyang pansin na lamang ang aspeto sa pamamahala kung paano maiibsan ang daloy ng trapiko sa Metro Manila at hindi ang pagsagasa sa karapatan ng isang mamamayan. (Ulat ni Angie Dela Cruz)