^

Metro

Fried chicken sa fast food chain ligtas kainin - DA

-
Walang dapat ikabahala ang mga mamamayan sa pagkain ng fried chicken sa paborito nilang fast food chain sa bansa partikular sa Metro Manila.

Ito ang paglilinaw kahapon ni Department of Agriculture (DA) Secretary Leonardo Montemayor kaugnay sa patuloy na pananalanta ng sakit na bird flu sa mga alagang manok sa US.

Ayon kay Montemayor,lokal na manok ang ibinebenta ng mga fast food chain sa bansa kaya hindi dapat mag-alala ang mamamayan ukol sa nasabing sakit.

Sa kasalukuyan ay nananatiling ban ang pag-iimport ng bansa sa lahat ng produktong manok mula sa US dahil sa laganap ang birds flu doon.

Ang lahat ng entry points sa bansa tulad ng daungan at paliparan ay binabantayan ng mga tauhan ng quarantine division upang hindi makapasok ang mga manok mula sa US. (Ulat ni Angie Dela Cruz)

ANGIE DELA CRUZ

AYON

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

METRO MANILA

MONTEMAYOR

SECRETARY LEONARDO MONTEMAYOR

ULAT

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with